Isang panukalang batas ang planong ihain ng ilang kongresista para ipagbawal ang pagpapadala ng mga estudyante sa ibang bansa o malalayong lugar para sa internship o on-the-job (OJT) training program.
Ang OJT ay requirement ng mga estudyante sa kanilang mga kurso para makapagtapos.
Pero ayon kay Deputy Majority Leader at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo at mga kasamahang kongresista, maraming mga magulang ang nagsasanla ng mga ari-arian at nangungutang para lang matustusan ang internship o OJT ng kanilang mga anak sa abroad.
Sa ihahaing panukala ni Representative Tulfo ay ipapatanggal na sa mga paaralan ang opsyon na mag-OJT ang bata sa abroad o malalayong lugar lalo kung ito ay nasa isang state college o university.
Ipinunto pa ni Tulfo na ang galing ng isang bata ay nakasalalay mismo sa estudyante at hindi sa school o kung saan ito nag-intern.