Panukalang batas na magbibigay kapangyarihan sa gobyerno na bawiin ang mga ari-arian na ilegal na nakuha ng mga dayuhan, inihain ng House Quad Committee

Umarangkada na ang ika-sampung pagdinig ngayong araw ng House Quad Committee.

Bago ito ay inihain muna ng mga kongresistang namumuno at kasapi ng Quad Committee ang House Bill No. 11043 o panukalang “Civil Forfeiture Act.”

Layunin ng panukala na bigyan ng kapangyarihan ang gobyerno na kunin o bawiin ang mga ari-arian na ilegal na nakuha ng mga dayuhang indibidual at kompanya.


Ang panukala ay resulta ng imbestigasyon ng Quad Committee sa ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na ugat ng iba’t ibang krimen at ilegal na aktibidad tulad ng human trafficking at illegal drugs.

Ang panukala ay magpapalalakas sa itinatakda ng konstitusyon na pagbabawal sa mga dayuhan na magkaroon ng ari-arian sa ating bansa.

Facebook Comments