Panukalang batas na magbibigay ng dagdag na parusa sa mga ospital na naghihingi ng advance payment – lusot na sa Kamara

111

Manila, Philippines – Naipasa na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa kamara ang pagdagdag ng parusa sa mga ospital at klinika na nagpapabayad ng advance payment bago tanggapin ang mga pasyente.

Batay sa house bill 5159, pinaigting ang Emergency Health Care Service at pagbabawal ng cash deposit sa mga ospital pagdating sa emergency cases.

Ayon kay Committee on Health Chairman Angelita Tan – mayroon pa ring natatanggap silang mga reklamo kung saan hindi pinapayagan ng ilang ospital na ma-admit ang pasyente sa emergency room o may seryosong kondisyon dahil hindi makapag-deposito.

Giit ng mambabatas, ang pagsagip sa buhay ng tao ang tamang emergency service na hindi iniisip ang kakapusan sa pera.

Sakaling hindi tumugon sa batas, mula sa dating P20,000, pagbabayarin ang tumangging hospital personnel ng P100,000 hanggang P300,000 o maaring makulong ng 6 buwan hanggang 2 taon.

Kung naging batayan naman ang polisiya ng ospital, mula sa P100,000, makukulong ang hospital officer ng 4 hanggang 6 taon o pagmumultahin ng P500,000 hanggang 1 milyong piso na maaaring ibigay ng korte sakaling lumala ang kondisyon ng pasyente.

DZXL558

Facebook Comments