Panukalang batas na magbibigay ng otoridad sa Pangulo para pabilisin ang proseso sa pag-iisyu ng permit at lisensya, inihain sa Senado

Inihain ng liderato ng Senado ang Senate Bill number 1844 na nagkakaloob sa Pangulo ng awtoridad para pabilisin ang proseso sa pagpapalabas ng permit at lisensya mula sa national at local agencies ng pamahalaan.

Ang panukala ay habang umiiral ang national emergency dahil sa COVID 19 pandemic at ang sinumang susuway dito ay maaring tanggalin o suspendehin ng Pangulo.

May akda ng panukala ay sina Senate President Tito Sotto III, Senators Ralph Recto, Juan Miguel Zubiri, Franklin Drilon at Ping Lacson.


Pinapahintulutan ng panukala ang Pangulo na suspendehin, i-wave o hindi na obligahin ang mga requirements sa pagkuha at renewal ng national at local permits, lisensya, sertipikasyon at authorization.

Maari rin magtakda ang Presidente ng mas maikling panahon sa pagkuha ng lisensya, permit o sertipikasyon.

Layunin ng panukala na pabilisin ang proseso ng pagnenegosyo sa bansa para matulungan ang mga labis na naapektuhan ng pandemya at para makahikayat din ng mga dayuhang mamumuhunan na makakatulong sa pagbangon ng ekonomiya.

Facebook Comments