Isinusulong ng Department of Finance (DOF) ang isang panukalang batas na magpapababa sa kinakailangang bayarang buwis ng mga maliliit na negosyo sa bansa.
Ang mga negosyong ito ay kinabibilangan ng mga talyer, maliliit na restaurant, laundromat at iba pa.
Sa interview ng RMN Manila sinabi ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino na sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act (CREATE Bill), imbes na 30% ang kailangang bayarang buwis, ibaba nila ito hanggang umabot sa 20%.
Sa oras na maipasa ang panukalang-batas, magiging 25% na lang ang buwis na kailangang bayaran ng mga maliliit na negosyo pagdating ng Hulyo.
Facebook Comments