Panukalang batas na magpapalakas sa lokal na produksyon ng mga armas at kagamitan para sa depensa ng bansa, nilagdaan na ni PBBM

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Bill no. 2455 o ang Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act na isang batas na magpapalakas sa lokal na produksyon ng mga armas at kagamitan para sa depensa ng Pilipinas.

Sa ilalim ng Republic Act 12024, isinusulong ang pagbuo ng isang national defense industry at pagkakaroon ng sapat na defense assets at hardware sa bansa sa pamamagitan ng domestic production at manufacturing.

Layon din ng batas na magkaroon ng preference o pagpili sa Filipino-owned enterprises para sa development, produksyon, o servicing ng mga materyales para sa military technology, weapon systems, armas, ammunition, combat clothing, armor, vehicles, at iba pang military equipment.


Makatutulong din itong mabawasan ang pagiging dependent ng bansa sa foreign suppliers, at lumikha ng trabaho para sa mga Pilipino.

Facebook Comments