Panukalang batas na nag-aamyenda sa Anti-Money Laundering Act, nilagdaan na ni Pangulong Duterte

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na nagpapalakas sa umiiral nang Anti-Money Laundering Act (AMLA).

Nakapaloob sa Republic Act No. 11521 ang pagbibigay kapangyahiran sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) upang makapag-isyu ng subpoena at makapag-imbestiga ng mga kahina-hinalang transaksyon.

Binigyan din ng kapangyarihan ang AMLC na i-preserve, i-manage o i-dispose ang mga assets alinsunod sa freeze order, preservation order o judgment of forfeiture.


Nakasaad din sa inamyendahang batas na saklaw nito ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at service providers ng mga ito.

Sasaklawin na rin nito ang mga transaksyon na lampas P500,000 sa isang banking day, gayundin ang mga casino cash transactions na lagpas sa P5-milyon.

Inatasan naman ang AMLC na bumuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng batas sa loob ng 90 araw matapos ang effectivity date ng nasabing batas.

Facebook Comments