Panukalang batas na nagmamandato na mag-hire ng PWDs, lusot sa final reading ng Kamara

Manila, Philippines – Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na humihikayat sa mga employer na mag-hire ng Persons with Disabilities (PWDs).

Ayon sa may-akda ng House Bill 9106 na si Iloilo City Representative Jerry Treñas – nasa Senado na ang bola para aprubahan ito bago magtapos ang 17th Congress sa June 7.

Layunin ng batas na magbigay ng dagdag na pribilehiyo sa mga PWDs at aamyendahan ang mga probisyon ng magna carta for PWDs o Republic Act 7277, tulad ng mandatory employment sa mga government offices at corporations, maging sa pribadong sektor.


Sa ilalim ng panukala, ang private corporations na may higit 1,000 empleyado ay kailangang maglaan ng nasa 2% ng mga posisyon sa mga PWDs at isang porsyento naman para sa mga kumpanyang mababa sa 1,000 ang empleyado.

Kabilang sa mga dagdag na pribilehiyo sa mga PWDs ay:

  • May ₱500 kada buwan para tugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan
  • Exemption sa passport processing fees, kasama ang travel taxes, terminal fees at iba pang fees na sinisingil sa paliparan, ports at iba pang terminal.
  • Lifetime validity ng PWD identification cards

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay ang lead-agency sa pagpapatupad ng panukalang batas.

Facebook Comments