Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang House Bill 10373 o panukalang batas na nagpagpapalawig sa bisa ng 2021 national budget hanggang December 31, 2022.
Dalawampu’t dalawang (22) senador ang bumotong pabor sa panukala.
Ayon kay Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara, pinapahintulutan ng panukala na gastusin hanggang sa susunod na taon ang pondo para sa mga proyektong nakaprograma ngayong taon pero hindi kayang tapusin ngayong Disyembre.
Dahil sa extension, ay hindi oobligahin ang pagbabalik sa national treasury ng natitirang pondo na hindi pa naipasok sa kontrata ngayon taon.
Ayon kay Angara, kailangang palawigin ang paggamit ng pondo dahil maraming proyekto ang hindi naisagawa ngayong 2021 dahil sa COVID 19 pandemic.
Facebook Comments