Panukalang batas na nagtataas ng statutory rape age sa 16, garantisadong ipapasa sa Senado

Tiniyak ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na ipapasa ng Senado ang panukalang batas na nagtataas sa statutory rape age sa 16 mula sa kasalukuyang 12-anyos.

Ayon kay Zubiri, tatalakayin at aaprubahan nila ito pagbalik ng kanilang plenary session matapos ang dalawang linggong Enchanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).

Diin ni Zubiri na isa sa mga pangunahing may-akda ng panukala, panahon na para parusahan ang mga sexual predator o nangaabusong sekswal sa mga kabataan.


Ang pahayag ni Zubiri ay kasunod ng pag-endorso sa panukala ng Senate Committee on Justice and Human Rights na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon at ng Senate Committee on Family Relations na pinamumunan naman ni Senator Risa Hontiveros.

Itinatakda ng panukala na makasuhan at maparusahan ang sinumang makikipagtalik sa babae at lalaki na edad 16 pababa.

Facebook Comments