Panukalang batas na po-protekta sa mga freelance worker, aprubado na sa second reading sa Kamara

Pasado na sa second reading sa Kamara panukalang batas na magbibigay proteksyon, karapatan at dagdag na benepisyo sa mga freelance worker sa bansa.

Nakasulot sa pamamagitan ng viva voce voting ang House Bill (HB) 6718 o ang Freelance Workers Protection Act na pangunahing iniakda ni 2nd District Albay Rep. Joey Salceda.

Ayon kay Salceda, sa kasalukuyang Labor Code, walang kategoryang ‘freelance worker’ at wala ring paliwanag tungkol dito.


Layon ng panukala ang pagsusulong ng proteksiyon, karapatan, kagalingan at mga pakinabang ng mga ‘freelancers’ kasama ang ‘mandatory hazard pay at night shift differential pay.’

Po-protektahan ang kapakanan ng mga freelance worker sa pamamagitan ng written contract sa pagitan ng employer at freelance worker.

Isasaad sa kontrata ang mga kundisyon sa pagtatrabaho, detalye ng kabayaran at mga benepisyo, panahon ng pagtatrabaho, mga kadahilanan sa paglabag sa kontrata, at iba pang mga kundisyon na itinakda ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa ngayon ay nasa mahigit 1.5 milyon ang freelance workers.

Facebook Comments