Panukalang batas para ipagbawal ang pagparada ng mga sasakyan at squatting sa bangketa, isinulong sa Kamara

Isinulong ni Surigao del Norte 2nd District Representative Bernadette Barbers na maisabatas ang pagbabawal sa illegal parking o pagparada ng mga sasakyan at ang squatting sa mga bangketa.

Nakapaloob ito sa House Bill 933 o panukalang batas na inihain ni Barbers na layuning magtaguyod ng disiplina sa kalsada upang maibsan ang pagsiskip sa daloy ng trapiko lalo na sa mga pangunahing siyudad sa bansa pangunahin ang Metro Manila.

Ayon kay Barbers, tugon ang panukala nya para matuldukan ang pribadong paggamit ng homeowners at negosyo pati vendors sa mga sidewalk at kalsada na nakakasikip sa daloy ng mga sasakyan.

Kapag naisabatas ang panukala ni Barbers ay papatawan ng multang P1,000 hanggang P10,000 ang mga lalabag dito.

Bibigyan naman ng kapangyarihan ang mga otoridad na alisin ang mga obstruction at i-impound ang mga sasakyan na ilegal na nakaparada.

Facebook Comments