Manila, Philippines – Naghain na si Surigao Del Norte Cong. Robert Ace Barbers ng panukalang batas para i-postpone ang barangay elections na nakatakda sa Oktubre.
Sa house bill 5359, binigyang-diin ni Barbers na mahalagang magkaroon muna ng cleansing process sa hanay ng mga barangay officials para masawata ang problema sa iligal na droga.
Sa halip, ipinanukala ng kongresista na gawin na lang ang Barangay at SK elections sa Mayo 2020.
Pero aniya, hindi hold-over capacity ang mga kasalukuyang barangay officials kundi agad na mate-terminate ang kanilang termino.
Sa nasabing panukala, binibigyan ng kapangyarihan si Pangulong Duterte na magtalaga ng hahaliling malilinis na officer-in-charge sa mga mababakanteng posisyon sa barangay.
Facebook Comments