
Pinabibigyan ni House Deputy Majority leader at ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo ng pension ang nagretirong Overseas Filipino Workers (OFWs) at nagpasyang manirahan sa bansa.
Nakapaloob ito sa panukalang batas na ihahain ni Tulfo na magtatakda ng kontribusyon ng OFWs buwan-buwan sa pension fund nila na tatapatan ng gobyerno ng doble o tripleng kontribusyon.
Sabi ni Tulfo, ang OFW pension ay iba pa sa makukuha nila sa SSS pagdating nila ng 60 years old.
Ang panukala ni Tulfo ay pasasalamat sa OFWs na itinuturing na mga bagong bayani dahil sa laki ng ambag nila sa ekonomiya ng bansa pero bigo silang makapag-ipon dahil inuna ang pagpapaaral ng mga anak at pagbili ng bahay.
Kaya giit ni Tulfo, kailangang magkaroon ng pension ang OFWs upang sa kanilang pagtanda ay hindi sila maghirap at umasa na lang sa bigay ng kanilang mga anak.