Iginiit ni Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-List Representative Erwin Tulfo na mapatawan ng mabigat na parusa ang mga scammer na mambibiktima sa senior citizen at persons with disability (PWDs).
Nais ni Tulfo na makulong ng tatlong buwan hanggang anim na taon o higit pa ang mga ito depende sa laki ng halaga na natangay sa biktimang senior citizen o PWD.
Nakapaloob ito sa ihahaing panukalang batas ni Tulfo ngayon araw na tugon sa mga reklamong idinulog sa kanyang tanggapan ukol sa panggogoyo sa mga senior citizens ng ilang walang pusong indibidwal.
Ayon kay Tulfo, puntirya ng mga scammer ang pension o konting ipon ng mga senior citizen na tangi nilang inaasahan.
Kasama ni Tulfo na magahain ng panukala ang iba pang kinatawan ng ACT-CIS partylist na sina Representatives Edvic Yap at Jocelyn Tulfo gayundin sina Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City 2nd District Ralph Tulfo.