Inihain muli ni Senator Koko Pimentel ang panukalang batas na nagtatakda ng awtomatikong pagsuspinde sa pagpataw ng excise tax at value added tax sa petrolyo.
Aamyendahan ng panukala ang National Internal Revenue code para ito ay maipatupad kapag lubhang tumaas ang presyo ng petrolyo sa world market.
Ito ay sa oras na umabot o lumagpas sa 80 dolyar ang presyo kada bariles ng petrolyo batay sa Mean of Platts Singapore (MOPS) na batayan ng Pilipinas.
Sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, ₱10 ang excise tax sa bawat litro ng gasolina at 6 na piso sa bawat litro ng diesel at bukod pa rito ang 12 porsyentong value added tax.
Ang hakbang ni Pimentel ay tugon sa patuloy na pagtaas sa presyo ng petrolyo na nakakaapekto sa napakabilis na pagtaas din sa presyo ng mga bilihin.