Kasunod ng pagsisimula ng pilot implementation ng face-to-face classes sa susunod na linggo, tiniyak ngayon ni three term Senator at Antique Lone District Rep. Loren Legarda na patuloy na isusulong ang kapakanan ng mga estudyante at guro sa bansa.
Sa interview ng RMN Manila, partikular na isinusulong ni Legarda ang One Tablet, One Student Bill na kinakailangan ng mga kabataan para makasabay ng flexible learning.
Bukod dito, may panukalang batas ding inihain si Legarda para itaas sa ang entry level ng mga gurong nagtuturo sa pampublikong paaralan.
Ayon kay Legarda mula sa dating Salary Grade 11 o P25,000 ay nais niyang itaas sa Salary Grade 15 o P35,000 ang entry level ng mga guro.
Facebook Comments