
Hinikayat ni Solid North Partylist Rep. Ching Bernos ang liderato ng kamara at kapwa mga kongresista na ipasa ang House Bill No. 3116 o panukalang Magna Carta for Private School Teachers.
Diin ni Bernos, tugon ang kanyang panukala sa sakripisyo ng mga private school teachers sa gitna ng kawalan ng financial security at pag-usad ng kanilang career.
Nakapaloob sa panukala ni Congresswoman Bernos ang pagtakda sa anim na oras na pagtatrabaho ng mga guro kada araw o hindi lalagpas sa walong oras at pagbibigay sa kanila ng hardship allowances.
Tiwala din si Bernos na tugon ang kanyang panukala sa exodus o pag-alis ng mga guro sa pribadong sektor dahil hindi sapat ang kanilang sweldo, kulang sa mga benepisyo at proteksyon.
Facebook Comments









