Panukalang batas para sa legalidad ng paggamit ng medicinal cannabis, hiningi na rin ng ilang doktor

Sang-ayon ang isang medical doctor na payagan na sa Pilipinas ang paggamit ng cannabis bilang sangkap sa paggawa ng ilang gamot.

Sa media health forum sa Quezon City, sinabi nina Dr. Gem Mutia at Richard Nixon Gomez ng Bauertek Corporation, malaki ang maitutulong ng cannabis para lunasan ang maraming sakit.

Kabilang sa mga ito ay ang epilepsy, parkinson’s disease, depression, hirap sa pagtulog at maging cancer.


Sa ngayon, nakabinbin pa rin sa Kamara ang panukalang batas na nagsusulong para sa legalidad ng paggamit ng cannabis bilang sangkap sa paggawa ng ilang gamot.

Sa ngayon, mayroon na daw mga doktor ang nagbibigay ng prescription ngunit dahil wala pang batas tungkol dito ay halos nagiging patago ang transaction.

Kung maisasabatas umano ang panukala ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez, marami ang matutulungan nito na malunasan ang kanilang sakit at mababawasan ang iligal na pagpasok nito sa bansa.

Makakalikom din daw ng dagdag na buwis ang gobyerno sakaling payagan na ang pagproseso at manufacturing sa bansa.

Facebook Comments