Manila, Philippines – Inaprubahanna ng House Committee on Population and Family Relations ang panukala para sanational ID system na naglalayong magkaroon ng iisang Gov’t ID na lamang angbawat Pilipino.
Unanimous ang nagingapproval ng mga miyembro ng komite sa Filipino identification act.
Sa ilalim ng substitutebill, mandatory para sa bawat pilipino na may edad
disi-otso na kumuha ngnational ID.
Libre itong ibibigay saunang pagkakataon pero magbabayad na kung magpapa-re-issue ng id ang isang tao.
Ang PhilippineStatistics Authority ang magiging repository ng lahat ng personal data para sanational ID at hindi ito maaaring ilabas nang walang kaukulang permiso.
Ayon kay CommitteeChairman Sol Aragones, ang magbibigay ng maling personal information sa ID atgagamit nito sa maling paraan ay mapaparusahan ng kulong na anim na buwanhanggang dalawang taon ay multang 60,000 hanggang 200,000 pesos.
Ipapasa na sa appropriationscommittee ang panukala para sa funding requirement nito bago iakyat saplenaryo.
Panukalang batas para sa National ID System, lusot na sa committee level ng Kamara
Facebook Comments