Panukalang batas para sa pagtatag ng Department of Migrant Workers, nakapasa na sa final reading sa Senado

Aprubado na ng Senado unanimously sa final reading ang panukalang batas na magbibigay daan sa pagtatag ng departamento na tututok sa pangangailangan ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sa botong 20-0-0, ipinasa ng Mataas na Kapulungan ang Senate Bill No. 2234, o ang Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos Act.

Ayon kay Senator Joel Villanueva, na isa sa proponents ng panukala, ang nasabing departamento ang tutugon sa concerns ng OFWs tulad ng problema sa recruitment, red tape, regulation, emergency response, repatriation at reintegration.


Ang nasabing panukalang batas ay una nang sinertipikahan ng Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent bill.

Facebook Comments