Inaprubahan na ng House Committe on Transportation na pinamumunuan ni Antipolo City Rep. Romeo Acop ang panukalang batas para sa paglika ng Maritime industry Authority o MARINA extension offices sa Regions 2 o sa Cagayan Valley, Region 3 o Central
Luzon at 4-B o MIMAROPA.
Ilan sa mga tinukoy na lugar sa panukala na dapat magkaroon ng field office ng MARINA ay ang Ilagan City sa Isabela; Balanga City, Bataan; at Puerto Princesa City sa Palawan.
Layon ng panukala na mailapit sa mga Filipino seafarers ang serbisyo ng ahensya.
Ayon kay House Deputy Majority Leader at MARINO Partylist Rep. Sandro Gonzales, tugon ang panukala sa daing ng maraming Pinoy seafarers na nahihirapan sa pagproseso ng kanilang mga dokumento.
Bukod kay Gonzalez, kabilang din sa may-akda ng panukala sina Zamboanga del Norte Rep. Adrian Michael Amatong, Agusan del Norte Rep. Dale Corvera at Bataan Rep. Albert Garcia.
Umaayon ang panukala sa hangarin ng Marcos Jr. administration na mapag-ibayo ang pagbibigay ng dekalidad na serbisyo at maisulong ang ating maritime industry.