Inihain ni Liberal Party president at Albay 1st District Rep. Edcel Lagman ang House Bill 9868 o panukalang “Enabling Law on People’s Initiative to Propose Amendments to the Constitution.”
Diin ni Lagman, hangga’t walang batas para sa People’s Initiative ay hindi direktang makapaghahain ng amyenda sa Konstitusyon ang publiko.
Sabi ni Lagman, nakasaad sa sa ilalim ng Section 2 ng Article XVII ng 1987 Constitution na ang Kongreso ang gagawa ng batas para sa implementasyon ng People’s Initiative.
Iginiit ni Lagman na malinaw sa mga naging desisyon ng Supreme Court na hindi maaring kumilos ang Commission on Elections kaugnay sa Peoples’ Initiative para sa panukalang Charter Change hangga’t walang batas ukol dito.
Facebook Comments