Nagpadala ng liham si Pang. Rodrigo Duterte sa liderato ng Kongreso para gawing prayoridad nila ang pagpasa ng panukalang batas na layong taasan ang sweldo ng mga kawani ng gobyerno.
Sa sulat ng Pangulo kina Senate President Tito Sotto sinabi niyang sinesertipikahan niya bilang urgent measure ang Senate Bill 1219.
Ayon sa Pangulo, ito ay para mapaganda at mapabilis pa ang public service ng mga kawani ng gobyerno sa pamamagitan ng patas at maayos na sweldo para sa kanila.
Matatandaang sinabi ni House Committee on Appropriations Isidro Ungab na hiniling ng kanyang komite kay Pang Duterte na icertify nito na urgent measure ang salary standardization bill 5.
Ito ay matapos aprubahan ng kanyang komite ngayong umaga ang isang consolidated bill para ditto.
Kapag tuluyang naipasa bilang batas ang consolidated bill, aakyat ng 11,000 hanggang 13,000 sa 2023 ang sweldo ng salary grade 1 employees, habang nasa 20,000 hanggang 27,000 naman ang basic salary ng mga guro.