Panukalang Batas sa dagdag na Hospital Bed sa Cagayan Valley Medical Center, Nilagdaan ni Pangulong Duterte

62

Cauayan City, Isabela-Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang dagdag na hospital bed sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC).

Matatandaang isinulong ni Cagayan 3rd District Representative Joseph ‘Jojo’ Lara ang panukalang batas na naglalayong madagdagan ang kapasidad ng ospital mula sa 500 beds at gawing 1,000 para sa mga pasyente.


Pormal nang batas ang RA 11948 na tiyak na panalo ang Cagayano sa nasabing inihaing panukalang batas.

Inihayag naman ni Cong. Jojo Lara ang kanyang taus-pusong pasasalamat kay Pangulong Duterte na layong maiangat ang antas ng kalusugan sa mga probinsya.

Magugunitang personal na hiningi ni Cong. Lara ang buong suporta nina Presidente Duterte at Senator Bong Go para sa pagpasa at pag sasabatas ng CVMC Bill.

Facebook Comments