Panukalang batas sa pag-aampon, lusot sa ikalawang pagbasa sa Senado

Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Senado ang Senate Bill No. 1933 o ang Domestic Administrative Adoption Act na naglalayong madaliin ang sistema ng pag-aampon sa bansa.

Ito ay isinulong ni Senator Pia Cayetano kung saan ire-revamp ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng pagdaragdag ng dedicated teams na tututok sa adoption.

Paliwanag ng mambabatas, mabagal ang proseso ng pag-aampon sa bansa hindi lang dahil sa mga pending na kaso sa korte kundi dahil kulang ng tao ang DSWD na nakatutok sa adoption.


Nagpahayag naman ng suporta sa panukala si Senator Joel Villanueva at hiniling na maging co-author nito.

Sa ngayon, nagpasalamat si Senator Risa Hontiveros, chairperson ng Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality sa suporta ng mga kapwa senador sa isinusulong na panukalang batas.

Facebook Comments