Inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang madaliin ang sistema ng pag-aampon sa bansa.
Sa botong 22-0-0, inaprubahan na ang Senate Bill No. 1933 o ang Domestic Administrative Adoption Act.
Isinulong ito ni Senator Pia Cayetano kung saan ire-revamp ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng pagdaragdag ng dedicated teams na tututok sa adoption.
Ang mabagal na proseso ng pag-aampon sa bansa ay hindi lang dahil sa mga pending na kaso sa korte kundi dahil kulang ng tao ang DSWD na nakatutok sa adoption.
Papangasiwaan naman ito ng National Authority for Child Care (NACC), alinsunod na rin sa mandato ni Senator Cayetano.
Facebook Comments