Inaasahang simula sa pagbabalik ng session ng Mababang Kapulungan sa ikalawang linggo ng Nobyembre ay matatalakay na sa plenaryo ang House Bill 9277 o panukalang bawasan ang buwis na ipinapataw sa taya at panalo sa lotto.
Ito ay dahil handa na ang House Committee on Ways and Means, na pinamumunuan ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda, na isumite ang report sa plenaryo ukol sa panukala.
Ayon kay Salceda, aamyendahan ng panukala ang National Internal Revenue Code of 1997 na unang inamyendahan sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion at Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises.
Sa ilaim ng panukala, ay ibababa sa 10% ang kasalukuyang 20% na final tax rate para sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at panalo sa lotto gayundin ang documentary stamp tax sa tiket ng PCSO lotto at taya sa karera ng kabayo.
Mananatili namang exempted sa buwis, ang mga panalo sa lotto na hindi lalagpas sa ₱10,000 habang ang 1% stock transaction tax ay ibababa sa 6 over 10 mula sa kasalukuyang 1 over 10.
Bukod dito, ay ibababa naman sa 10% ang 25% na dividends tax rate para sa non-resident aliens.