Sa botong pabor ng 266 mga mambabatas ay aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang panukala para i-standardize at palawigin ang benepisyo ng mga retiradong mahistrado, kasama ang mga ‘judiciary officials’ na may kahalintulad na ranggo.
Ito ay ang House Bill No. 8392 na mag-aamyenda sa ang Republic Act No. 910, ang batas na pinagtibay noong Hunyo 1953 na siyang may sakop sa panuntunan sa pagreretiro ng mga hukom ng Supreme Court at Court of Appeals Justices.
Una itong inamyendahan noong 2010 ng Republic Act 9946 para sa dagdag na retirement, survivorship at ipa bang benepisyo para sa kanila.
Iniuutos ng panukala na itaas din ang pension ng mga retiradong miyembro ng hudikatura at mga opisyal nito na may judicial rank tuwing magkakaroon ng pagtaas sa sweldo at iba pang prebilehiyo ng mga nasa nasa serbisyo pa na kapareho nila ang rango ng sila ay magretiro.
Sakop din nito para makatanggap ng naturang mga benepisyo ang mga nagretiro bago maisabatas ang panukala.
Sila yung sapilitang pinagretiro sa edad na 65 anyos mula sa 70 anyos na siyang edad ng obligadong pagreretiro ng mga mahistrado at hukom.