Inihain ni Senator Francis Tolentino ang panukala na emergency powers para kay Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng dalawang taon.
Layunin ng Senate Bill Number 213 ni Tolentino na maresolba ang matinding problema sa trapiko sa kalakhang maynila at iba pang lungsod sa bansa.
Inirerekomenda ng panukala ni Tolentino na magdeklara ng National Emergency sa Metro Manila, Metro Cebu at iba pang lungsod na matindi ang suliranin sa trapiko.
Ikinatwiran sa panukala ni tolentino na maituturing na national emergency ang matinding traffic dahil sa epekto nito sa ekonomiya.
Tinukoy sa panukala ang pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency o JICA na nasa 3.5 Billion pesos ang nawawala sa ekonomiya ng bansa kada araw dahil sa problema traffic.
Nakapaloob din sa panukala na italaga ang kalihim ng Dept of Transportation bilang Traffic Crisis Czar.
Iniaatas din ng panukala ang pagbuo ng Traffic Crisis action and Mobilization Plan na maglalatag ng detalyado at kongkretong hakbang para maresolba ang problema sa traffic.