Sinisilip na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang bumuo ng ahenyang tututok sa Child Trafficking.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ire-review ng pangulo ang panukala ni Special Envoy of the President to United Nations Children’s Fund (UNICEF) Monica Prieto Teodoro.
Partikular aniya ang pagbalangkas ng Executive Order na bubuo ng Anti-Child Trafficking Office na tutugon sa Child Trafficking sa bansa.
Base sa 2018 Global Slavery Index, ang Pilipinas ay nasa pang-12 na may 700,000 Human Trafficking victims.
Facebook Comments