Panukalang bubuwag sa lahat ng uri ng chemical weapon sa bansa, lusot na sa komite ng Kamara

Aprubado na ng House Committee on Public Order and Safety na pinamumunuan ni Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez ang substitute bill para sa panukalang Chemical Weapons Act.

Inuutos ng panukala ang paglalatag ng komprehensibo at iisang batas para protektahan ang publiko at ibasura o buwagin ang anumang uri ng chemical weapon.

Ang panukala ay inihain ni PATROL Party-list Representative George Bustos para makasunod ang bansa sa Chemical Weapons Convention (CWC).


Sa isinagawang pagdinig ukol sa panukala ay nagpahayag ng suporta rito si Mr. Louie Intalan ng Anti-Terrorism Council Program Management Center (ATC-PMC).

Paliwanag ni Intalan, bagama’t signatory o nakalagda ang Pilipinas sa CWC ay kulang pa rin ang hakbang ng bansa para makasunod dito.

Diin pa ni Intalan, mapapalakas ng panukala ang ating national security dahil epektibo nitong mapangangasiwaan at matutugunan ang chemical security concerns at chemical incidence sa bansa.

Facebook Comments