MANILA – Lusot na sa ikalawang pagbasa ang panukalang P3.350 trillion pesos na pambansang pondo para sa susunod na taon.Sa ilalim ng 2017 budget, aabot sa 40.1 percent ang para sa pangunahing pangangailangan sa edukasyon, kalusugan at social services.Sa mahigit 1 trillion na para sa social services sector, 700 billion pesos ang para sa edukasyon at mahigit 152 billion ang para sa health care.Nananatili din sa 78.7 billion ang alokasyon para sa conditional cash transfer (cct) program kasama ang 23 billion para sa rice allowance ng tatlong milyong benepisyaryo.Ang public order and safety sector ay may alokasyong 206.6 billion, kung saan malaking bahagi nito ay mapupunta sa pnp para sa pinaigting na kampanya kontra droga at kriminalidad.Kabilang sa mga ahensya na may malaking budget para sa 2017 ay ang DepEd, DPWH, DILG, DND at DSWD.Tinawag ng Duterte administration ang 2017 proposed national budget na pondo para sa pagbabago.
Panukalang Budget Para Sa Susunod Na Taon, Aprubado Na Sa Ikalawang Pagbasa Ng Kamara
Facebook Comments