Panukalang buhayin ang death penalty, handang kontrahin ng CHR sa Kongreso

Handa ang Commission on Human Rights (CHR) na magkaroon ng frank and factual conversation sa Kongreso tungkol sa death penalty.

Ayon kay CHR Commissioner Karen Gomez-Dumpit – handa nilang kontrahin ang muling pagpapatupad ng parusang kamatayan.

Dagdag pa ni Dumpit – maaari rin silang mag-alok sa Kongreso ng mga epektibong programa upang mapigilan at mabawasan ang insidente ng krimen, tulad ng police visibility at community vigilance.


Ipinaalala rin ni Dumpit na ang Pilipinas ay may legal obligations, tulad ng pagiging bahagi ng international covenant on civil and political rights, at ang second optional protocol na layuning buwagin ang death penalty.

Nilinaw din ng CHR na hindi ibig sabihin na kapag tutol sila sa death penalty ay kontra na rin sila sa pagpapanagot sa mga kriminal.

Facebook Comments