Pinagtibay na sa Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas ukol sa pagtatayo ng Bulacan Special Economic Zone and Freeport.
Sa botong 22 na pabor at wala namang pagtutol ay naipasa na sa plenaryo ng Senado ang Senate Bill 2572.
Unang tiniyak ng sponsor ng panukala na si Committee on Public Services Chairperson Grace Poe na naresolba na sa panukala ang mga naging concern ni Pangulong Bongbong Marcos kaya niya na-veto ito noon.
Binalanse na aniya ang layuning mapalago ang ekonomiya ng bansa at ang pagprotekta sa kalikasan.
Samantala, nagpaalala naman si Senate Minority Leader Koko Pimentel na dapat pag-aralang maigi ang economic viability ng pagtataguyod ng ecozone at freeport na maituturing na government owned and controlled corporation o GOCC.
Sinabi naman ni Poe na mahigit P130 billion ang halaga ng economic potential ng Bulacan ecozone at inaasahang ito ay magiging world-class economic zone na ipagmamalaki ng lahat.