Nakatawid na sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 6336 o New Agrarian Emancipation Act.
Layunin ng panukala na burahin ang utang ng nasa 654,000 na Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) kaugnay ng lupa na iginawad sa kanila sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program.
Itinatakda ng panukala na sasagutin ng gobyerno ang hindi pa nababayarang utang ng mga ARBs kasama ang interes at penalty.
Inaatasan ng panukala ang Department of Agrarian Reform (DAR) na magbigay ng Notice of Condonation na isasama sa Emancipation Patents at Certificates of Land Ownership Award.
Base sa panukala, bawal namang ibenta ang lupang natanggap ng benepisyaryo sa loob ng 10 taon.
Facebook Comments