Panukalang buwagin ang DPWH, tinutulan ng palasyo

Tutol ang Malacañang sa panukala ni Senador Sherwin Gatchalian na buwagin ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa gitna ng mga isyu ng katiwalian sa ahensya.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi lahat ng kawani ng DPWH ay sangkot sa korapsyon at may mga empleyado pa ring nagsiserbisyo at tapat sa kanilang tungkulin.

Hindi rin aniya naiisip ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang posibilidad ng pagbuwag sa ahensya dahil ang dapat umanong alisin ay ang mga tiwaling opisyal at hindi ang buong institusyon.

Sa ngayon, marami na ang nabakanteng posisyon sa DPWH kaya naman binuksan ni Sec. Vince Dizon ang nasa higit 2,000 posisyon para sa mga dapat na ma-promote at mga bagong kawani.

Babala naman ng palasyo sa bagong kawani, na ayusin ang trabaho, ibalik ang integridad ng ahensiya, at gawin ang tungkulin nang naaayon sa batas.

Facebook Comments