Panukalang Cha-Cha, hindi lulusot sa Senado

Tiniyak ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hindi lulusot sa Senado ang panukalang Charter Change o Chacha na ipinasa ng House Committee on Constitutional Ammendments.

 

Kantyaw pa ni Drilon sa mga kongresista, lagyan ng return address ang iaakyat na panukalang chacha sa Senado dahil siguradong babalik ito sa Kamara.

 

Diin ni Drilon, hindi prayoridad ng Senado ang chacha at sigradong hindi rin ito tanggap ng mamayang Pilipino.


 

Ipinaalala pa ni Drilon sa mga kongresista na ang hindi pagbanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa chacha at federalism sa nakaraang state of the national address ay nagpapakita na hindi ito prayoridad ng administrasyon.

 

Para kay Drilon, nagpapakita din na makasarili ang hakbang ng mga miyembro ng kamara dahil hinabaan ang termino nila sa isinusulong na chacha.

 

 

 

Facebook Comments