Nai-refer na sa Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes na pinamumunuan ni Senator Robin Padilla ang Resolution of Both Houses No. 6 o ang pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon.
Taliwas ang pagrefer sa komite ni Padilla sa naunang plano ng Senado na ibigay ito sa binuong subcommittee na pinamumunuan naman ni Senator Sonny Angara.
Kahapon ay tatlong oras na nagsagawa ng caucus ang mga senador patungkol sa panukalang chacha at pagkatapos ay saka inanunsyo na mapupunta sa komite ni Padilla ang kontrobersyal na RBH.
Sa ngayon ay wala pang naging pahayag si Senate President Juan Miguel Zubiri sa kung ano ang napagdesisyunan ng mga senador sa ginanap na pulong.
Samantala, inihayag ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na hindi na interesado ang mga senador sa RBH6 dahil sa nangyayari ngayon na Senado lang ang susunod pero ang counterpart sa Kongreso ay hindi.