Panukalang dagdag-buwis sa vaping products, tinutulan ng isang Senador

Hindi dapat patawan ng dagdag na buwis ang mga vaping products.

Ito ang iginiit ni Senador Francis Tolentino sa harap ng isinasagawang deliberasyon sa Senate Bill 1074 na layong patawan ng dagdag-buwis ang mga vaping product at e-cigarettes kung saan ang kita ay gagamitin para pondohan ang Universal Health Care law.

Ayon kay Tolentino, ‘ni wala ngang regulasyon na pinapayagan ang vaping sa bansa.


Ibig sabihin, nananatiling iligal ang paggamit at pagbebenta ng mga nasabing produkto sa merkado.

Ipinunto rin ng Senador ang posibleng masamang epekto nito sa kalusugan ng tao.

Base aniya sa ilang pag-aaral sa Amerika, ang vitamin e acetate na kemikal na nakikita sa vaping products ay maaaring magdulot ng lung injuries habang ang tetrahydrocannabinol ay nagdudulot ng hallucinations gaya ng marijuana.

Samantala, una nang inaprubahan ng Kamara ang bersyon ng nasabing panukalang noong Agosto.

Facebook Comments