Panukalang dagdag na buwis sa sigarilyo, lusot na sa senado

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng senado ang Senate Bill 2233 o panukalang dagdag na buwis sa sigarilyo na ini-akda nina Senators Manny Pacquiao, Win Gatchalian at JV Ejercito.

 

20 mga senador ang bomoto pabor sa panukala, walang komontra at wala ding nag-abstain.

 

Itinatakda ng panukala ang 45 pesos kada pakete na pagtaas ng buwis sa kada pakete ng sigarilyo pagsapit ng January 1, 2020…


 

Magiging 50 pesos ito pagsapit ng taong 2021, 55-pesos sa taong 2022 at 60 pesos pagsapit ng 2023.

 

Mula 2024 ay itataas ito ng limang porsyento kada taon.

 

Nakapaloob din sa panukala ang pagpapataw ng buwis sa vape o e-cigarettes at heated heated tobacco products.

 

Sampung piso ang tax na ipapataw sa hanggang 10ml nito, 20 pesos para sa 20ml, 30 pesos na buwis sa 30 ml, 40-pesos sa 40ml, 50 pesos sa ml at sampung pisong dagdag na buwis sa kada dagdag na 10ml.

 

Ayon kay Committee on Ways and Means Chairman Senator Sonny Angara, target ng panulala na mapondohan ang universal health care program at mapababa ang bilang ng mga naninigarilyo.

Facebook Comments