Manila, Philippines – Aprubado na sa pinal na pagbasa ng Senado ang panukalang dagdag na buwis sa sigarilyo.
20 mga senador ang bomoto pabor sa Senate Bill 2233, walang komontra at wala ding nag-abstain.
Itinatakda ng panukala ang 45 pesos na taas-buwis sa kada pakete ng sigarilyo pagsapit ng January 1, 2020.
Magiging 50 pesos naman ito pagsapit ng taong 2021, 55 pesos sa taong 2022 at 60 pesos pagsapit ng 2023.
Mula 2024 ay itataas ito ng limang porsyento kada taon.
Nakapaloob din sa panukala ang pagpapataw ng buwis sa vape o e-cigarettes at heated tobacco products.
Sampung piso ang tax na ipapataw sa hanggang 10 milliliters nito, 20 pesos para sa 20ml at sampung pisong dagdag na buwis sa kada dagdag na 10ml.
Target ng panulala na mapondohan ang Universal Health Care Program at mapababa ang bilang ng mga naninigarilyo.