Pinasesertipikahang urgent nina Senators Risa Hontiveros at Joel Villanueva kay Pangulong Bongbong Marcos ang dagdag na sahod para sa mga manggagawa.

Iginiit ni Hontiveros ang pangangailangan na maipasa na ang panukalang minimum wage hike bill sa private sector bago pa man matapos ang 19th Congress.

Kaya naman kinakalampag ng senadora ang Malacañang na marapat lamang na i-certify as urgent na ang panukala dahil sapat naman na ang ginawang paghihintay ng mga ito.

Maging si Senator Joel Villanueva ay umapela na rin sa Pangulo na iprayoridad sa pagbabalik ng sesyon sa Hunyo ang dagdag na ₱100 minimum wage hike.

Siniguro rin ng senador ang patuloy na pagtutulak ng “living wage” sa 20th Congress para gawing pamantayan sa pagtatakda ng sahod upang mas maramdaman ng mga manggagawa ang bunga ng kanilang pagsisikap at sakripisyo.

Facebook Comments