Panukalang dagdagan ang cash benefits ng mga empleyadong tinamaan ng COVID-19, sinisilip na ng ECC

Sinisilip na ng Employees Compensation Commission (ECC) ang posibilidad na itaas ang cash benefits ng mga empleyadong nagkasakit ng coronavirus disease.

Ayon kay ECC Executive Director Stella Zipagan-Banawis, hiniling na nila ang pag-aaral para rito na isasagawa ng Social Security System (SSS) para malaman kung ang kanilang pondo ay kakayaning itaas ang cash assistance.

Noong nakaraang Linggo, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na dapat dagdagan ang ₱10,000 cash assistance para sa mga manggagawang magpopositibo sa COVID-19.


Nais ng kalihim na itaas ito ng hanggang P50,000 kapag nagkasakit ang manggagawa.

Tiwala rin si Bello na may sapat na pondo ang ECC para rito.

Ang ECC ay attached agency ng Department of Labor and Employment (DOLE), na siyang nagbibigay ng benefit package sa mga empleyadong nagkasakit o nagtamo ng injury na nagresulta ng kapansanan o pagkamatay.

Facebook Comments