Panukalang deklarasyon ng state of emergency sa agriculture sector, dapat pag-aralang mabuti

Handa si Senator Joel Villanueva na makipag–ugnayan sa administrasyong Marcos tungkol sa mungkahing pagdeklara ng state of emergency para sa sektor ng agrikultura.

Ngunit giit ni Villanueva, dapat muna itong pag-aralang mabuti para matukoy kung dapat ba talaga itong gawin at kung ito ba ang solusyon sa mga problema sa agrikultura.

Ayon kay Villanueva, dapat ding ikonsidera na kung ilalaan ang bahagi ng budget ng mga Local Government Units (LGUs) sa food production, ay ilang trabaho ang malilikha o matutulungan nito at aling mga proyekto o programa naman ang masasakripisyo.


Sabi pa ni Villanueva, sa pagdedeklara ng state of emergency ay dapat mailatag na mabuti ang targets na makamit at mga hakbang kung paano masu-sustain ang magiging bunga nito.

Kaugnay nito ay plano ni Villanueva na imbitahan ang Department of Agriculture (DA) sa Senado para magbigay ng ulat o assessment tungkol sa kalagayan ng agrikultura sa bansa, at maglahad ng mga plano.

Facebook Comments