Panukalang Department of Disaster Resilience, malabong maitatag ayon kay Pangulong Duterte

Gagawa ng paraan si Pangulong Rodrigo Duterte para mapalakas ang kasalukuyang disaster response system.

Ito ay dahil malabong mailusot sa Kongreso ang panukalang magtatag ng Department of Disaster Resilience (DDR).

Aminado si Pangulong Duterte na mayroong ‘pagkontra’ sa Kongreso hinggil sa panukala dahil pagiging ‘redundant’ agency.


Ang mahalaga aniya ay magkaroon ng kagamitan, pondo at taong pakikilusin bago pa man dumating ang kalamidad.

Sa kasalukuyan, ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang nangangasiwa ng paghahanda at pagtugon ng gobyerno sa panahon ng kalamidad at sakuna.

Ang DDR ay isa sa priority bills ng Pangulo na kasalukuyang lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara habang nakabinbin ito sa Senado.

Facebook Comments