Panukalang Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos, umusad na sa plenaryo ng Senado

Inendorso na ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva ang panukalang pagtatatag ng Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos para pag-ibayuhin ang mga serbisyo ng gobyerno sa mga Pilipino sa ibang bansa.

Diin ni Villanueva, sa pamamagitan ng bagong departamento ay pag-uugnay-ugnayin ang mga ahensya at opisinang tumututok sa OFWs at ilalagay sa iisang bahay at iisang bubong.

Nilinaw naman ni Villanueva na hindi magiging polisiya ng gobyerno na magpadala ng manggagawa sa ibang bansa kapag natatag ang departamento dahil isasailalim ito sa review pagkalipas ng 10 taon.


Facebook Comments