Muling inihain ni Senator Risa Hontiveros ang kaniyang panukalang batas na naglalayong magkaroon ng diborsyo sa bansa lalo na para sa mga kababaihan na biktima ng pag-abuso at karahasan ng kanilang asawa.
Nakasaad sa panukalang “Dissolution of Marriage Act” na batayan ng diborsyo ang limang taon na hindi pagsasama ng mag-asawa at ang pag-rape o panggagahasa sa asawa bago at matapos ang kasal.
Maari ding batayan nito ang mga grounds ngayon sa legal separation gaya ng physical at emotional abuse sa asawa o anak at addiction sa ilegal na droga, alcohol at iba pa.
Kasama rin dito ang irreconcilable differences o hindi pagkakasundo ng mag-asawa kahit anong pagsisikap na sila ay magka-ayos.
Hangad din ng panukala na kilalanin na dito sa Pilipinas ang diborsyo na nakuha sa ibang bansa.