Panukalang doblehin ang allowance ng mga guro, niratipikahan na sa Senado

Niratipikahan na ng Senado ang Bicameral conference committee version ng panukalang batas na layong doblehin ang teaching allowance ng public school teachers sa buong bansa.

Sa ilalim ng Senate bill 1964 at House bill 9682 o ang ‘Kabalikat sa Pagtuturo Bill’, may layong itaas sa P10,000 ang teaching allowance ng public school teachers mula sa kasalukuyang P5,000 lang.

Sinabi ni Senate Committee on Civil Service Chairman Ramon Bong Revilla Jr., na matagal nang hinihintay ng mga guro ang panukalang ito.


Punto ni Revilla, sa kabila ng pagkakaroon ng pinakamalaking alokasyon sa national budget ng education sector ay patuloy na dumadaing ang mga guro sa pampublikong paaralan na hindi sapat ang kanilang kita kumpara sa mga tungkulin at obligasyong inaatang sa kanila.

Kaya naman sa pamamagitan ng panukalang ito ay nais ng senador na kilalanin ang mahalagang papel ng mga guro lalo na sa mga kabataan.

Facebook Comments