Inaprubahan na ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang nasa 10 panukalang batas para sa maagang pagboto ng senior citizen at mga person with disabilities o PWDs kasama rin ang mga lawyers at health workers.
Sa ilalim ng panukala, ay maari silang bomoto ng pitong araw bago ang nakatakdang petsa ng national at local elections sa ating bansa.
Ang pagboto ng mga senior citizen at PWDs ay gagawin sa “accessible” at ligtas na establisyemento na itatalaga ng Commission on Elections o (COMELEC).
Naunang nagpahayag ng suporta ang COMELEC sa panukalang early voting lalo’t “doable” ito at tiyak makakahikayat din sa mas maraming senior citizens at OFWs na bumoto.
Sa kasalukuyang “Absentee Voting”, ay pinapayagan lamang sa maagang pagboto ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs), media workers, mga guro, at mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP), na karaniwanag nagsisilbi tuwing halalan.